My Published Books πŸ“šπŸ“š (under PHR)

Forever Be Yours

by Gianna Ross
(February 10, 2016)

She’s certain. One smile from him and she’d definitely fall in love with him over and over again.

Matagal nang in love si Feline sa best friend niyang si Q, na in love naman sa girlfriend nitong si Amanda. Minsan nang pumasok sa isip ni Feline na agawin na lang si Q kay Amanda o kaya ay ipagtapat na lang sa binata ang nararamdaman at isugal ang pagkakaibigan nila. Pero pinili niyang kalimutan na lang si Q—na hindi naman nangyari. Dahil kahit ilang taon din silang hindi nagkita at nagkausap, hindi nawala o nabawasan man lang ang nararamdaman niya para kay Q. Lalo pa nga iyong tumindi at lumalim nang malaman niyang nakipaghiwalay si Amanda sa binata.
Hindi gusto ni Feline na nasasaktan si Q. Kaya nang maglasing ito, todo ang suporta niya at pagdamay—hanggang sa may mangyari sa kanila isang gabi.
Ang problema: hindi matandaan ni Q na may namagitan sa kanila…

What You Mean To Me

by Gianna Ross
(December 16, 2014)

“Ito kasing puso ko, masyadong loyal at malaki ang tiwala sa `yo. Kahit na nasasaktan na, pangalan mo pa rin ang isinisigaw.”

Malakas ang kutob ni Alexa na walang magandang idudulot ang pagbabalik-Pilipinas ni Camille, ang kanyang stepsister na hindi niya kasundo. At tama ang kanyang hinala dahil ilang araw pa lang si Camille sa bansa ay naagaw na agad nito ang kanyang nobyo.
Pero hindi niya inakala na ang karanasang iyon ay magbubukas sa kanya ng panibagong pag-ibig sa katauhan ni Kairu. Isa itong estranghero na tila nasa tamang oras at pagkakataon kung kalian niya kailangan ng balikat na maiiyakan dahil sa sinapit na heartbreak.
Ayaw man niyang pumasok agad sa isang relasyon, sumugal si Alexa kay Kairu na pinatunayan naman na tama ang kanyang desisyon. Tila palagi siyang nasa alapaap kapag kapiling ang binata.
Ngunit nalaman ni Alexa na si Kairu pala ay may isang misyon. Balak paghigantihan ng binata ang stepsister niyang nanakit sa damdamin nito, at siya ang kawawang biktima para maisakatuparan iyon…

The Way I Feel For You

by Gianna Ross
(July 31,2013)

"Walang makakapantay ng pagmamahal ko sa'yo"

Para lubayan na si Reisha ng isang nakakainis na manliligaw, tinanggap niya ang alok ni Jarence na magpanggap silang magkasintahan. At mukhang nagtagumpay naman ang pagpapanggap nila.

Ang kaso, dumating sa punto na nahiling ni Reisha na sana ay hindi na lang kunwa-kunwarian ang lahat. Masyado na kasi siyang nasanay sa presensiya ni Jarence sa buhay niya at hindi siya kumportable kapag hindi kasama ito. Yes, she had fallen in love with him.

Nagpasya siyang gawin ang isang bagay na hindi karaniwang ginagawa ng isang babaeng tulad niya: magtatapat siya ng pag-ibig kay Jarence. Pero bago niya nagawa iyon ay nalaman niyang in love pa rin pala si Jarence sa ex-girlfriend nito...

Comments